Binihisan ng Tadhana

Francis Morilao

Buhay sa simula’y tila hubad na pangarap, lahat ng paraan ay sadyang hinahanap;
Upang malabanan ang kinagisnang hirap, at maiahon ang sinasabi ng iba’y masaklap.

Doon sa kanluran parating nakatanaw, nagmamatyag, sa paglubog ng araw;
Mga suliranin na sadyang umaapaw, sa kanyang paglubog, nais na ring bumitaw.

Sa dilim ng gabi, mga impit na hikbi;
Nanginginig na binti, hininga’y nagmamadali.

Sa pagpikit ng mata, ginhawa ang maramdaman sana,
Ngunit sa panaginip din pala, nag-aabang na parang diwata.

Mapaglarong isipan, alumpihit sa higaan;
Antok kailan daraan, lungkot nawa’y lumisan.

Isang tawag mula sa kawalan, maliwanag na tinig mula sa kanluran;
Mga problema mo ay mapaparam, halika at ako’y iyong hagkan.

Dagling dilat ng aking mga mata, agad binuksan ang aking bintana;
Kadiliman ay hindi alintana, sa liwanag na sa kanluran nagmumula.

Lapitan mo ako, ang sigaw niya, masdan ang hiwaga mula sa aking mukha;
Magugulat ka sa iyong makikita, ginhawang tatagos hanggang kaluluwa.

Dalidaling sa bahay ay bumaba, tinungo ang tinig kung saan nagmumula;
Kahit na balot ng takot at kaba, sa ‘di kalayuan aninag ko na siya.

Ano itong magandang nilalang? tanong sa isip na may pag-aalinlangan;
Katawan niya’y nababalot sa kaputian, nagliliwanag ang hubad niyang katawan.

Sa aking paglapit, ngiti niya’y malagkit;
Mata ko’y nakatutok, sa pisngi niyang marikit.

Mga labi nyang kay pula, naghihintay ng aking pagkalinga;
Tibok ng puso ko’y bumilis bigla, nang lumapat ang labi ko sa mga labi nya.

Ako ay napapikit sa sarap na dulot, matamis na halik napawi aking lungkot;
Sana ay huwag nang matapos, ang sarap na dulot ng halik na tumatagos.

Panaginip na sadyang mapanlinlang, ginhawang masasabing panandalian;
Kailan ko kaya mararanasan? ang ligayang dulot na magpakailanman.

Sa paglipas ng mga araw, may isang dalaga akong natanaw;
Sa mga mata ko’y ayaw niyang bumitaw, tinig niya, sa akin ay batingaw.

Nais kong sa kanya’y magpakilala, siya na nga ba ang aking tadhana?
O isa na namang mapaglinlang na diwata, na sa panaginip lamang nagpapakita.

Hindi naging madali nang siya ay lapitan, hindi basta basta, sabi ng ilan;
Hindi naman ako papatalo sa laban, hinding hindi ako susuko, kailanman.

Oo masasabi kong gusto ko na siya, Oo siya na ang iniisip ko sa tuwina;
Oo pati tibok ng puso ko’y pangalan na niya, Oo, sana ang isagot niya sa hinain kong pagsinta.

Ngayon’y unti-unting nabibihisan, itong hubad kong katauhan;
Ng pagmamahal niyang binigyang puwang, tadhana na sa akin nakalaan.


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseBinihisan ng Tadhana is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

19 Comments

  1. Franc Ramon

    Ang buhay natin ay may lugar ang tadhana ngunit kadalasan tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana.

  2. caroleen ileto

    sa aking paglapit, ngiti niya’y malagkit;
    Mata ko’y nakatutok, sa pisngi niyang marikit. these lines are very appealing to me. i like the way you constructed the images through words, i feel inspired to post my poems as well but quite scared since i wrote them when i was in hs so hahha..the poesm are very emotional.

  3. Wanderer Juan

    Ang ganda ng iyong tula, kitang kita ang emosyon sa bawat linya.

  4. Shirgie Scf

    Ang ganda naman ng pagkakahabi ng mga salita. Mukhang malalim ang pinaghuhugutan mo sa tulang ito

  5. Pal Raine

    Kay gandang basahin ang mga titik mong sinulat.
    Wari ko ikaw ay isang makatang dakila.
    *Ganda ng tula, nice ibigay sa “crush”. 🙂

  6. Mon Espiritu

    Isang napakagandang tula para sa pusong labis na nangungulila. Nakakatutuwang isipin na maraming blog na ngayon ang sumasariwa sa Filipinong literatura.

  7. Jonas Labagala

    I admit, nakakakilig naman nito! 😀

    Time will come that this young man will not be afraid to fall in love with the girl that she likes most. He just needs to be kicked in the butt to face the girl and declare his love to her.. 😀

  8. Renz Bulseco

    Napakagandang tula na ‘to! Punung-puno ng emosyon ang tulang ‘to! Keep up the good work!

  9. Roch

    This is a good poem to inspire your loved one. Really it’s when you love others that you learn to know yourself more.

  10. jane

    wow that is such an amazing poem! i’ve never really tried reading filipino poems as sometimes they are using deep tagalog which i cant understand nah hehe good job in this one! it is indeed really good!

  11. papaleng

    Lubos ang aking pagkaaliw
    Sa iyong akdang kagiliw-giliw
    Isipan mo’y sadyang malikhain
    Sa puso’y ito ay nanggaling

    Isang dilag ang nakapukaw
    Sa damdaming mong unti-unting nalulusaw
    Nakatingin sa kawalan
    Dahil dinaig ng magpalarong kapalaran

    Salamat sa isang dalaga
    Na may dalang pag-asa
    Bukas mo ay tuluyan mag-iiba
    Nawa’y Oo nya’y mapasaiyo na.

  12. Genzel

    minsan gusto kong maniwala sa tadhana pero gusto kong sumulat ng sarili kong kwento ng buhay.

  13. Carl | The Web Magazine

    Ibang klase ang iyong mga tula.
    Habang binabasa ko akoy natutulala
    Mensahe ay anong ganda
    Kayganda ng iyong tadhana
    Sa mga panulat mo ay makikita

  14. Michael Macalos

    I can really feel the passion in every line of this poem sir. It’s really beautiful and I think this website can help a lot of students in their school works. Great job!.

  15. Yamito Uytingco Calamba

    GALING!!! Nakakakilig naman! For sure bentang-benta to sa mga kabataan ngayon. I-print para ibigay sa crush nila.

  16. Rizanoia

    Napakalalim ng mga salitang iyong nasambit. Sa una’y aking akala’y ito ay tungkol sa suliranin sa pera pero ng aking mabasay tungkol pala sa pag-ibig. Ito ba ay ayon sa iyong karanasan?

    1. Francis

      Ito po ay kathang isip lamang 🙂

  17. ralph

    full of emotions… for sure, kapag nakita nya to… sasagutin ka na. good luck. Yahweh bless.

  18. Lilibeth

    Minsan talaga pakiramdam natin ay wala ng pag-asa. Pero ginawa tayo lahat ni God para maging masaya. Makikita mo din “SYA” sa totoong buhay, sa tamang panahon at hindi puro sa panaginip lang. 🙂

Comments are closed.