Hawlang Bakal ng Pagmamahal

Francis Morilao

Marami ang sumubok na magmahal,
Marami ang puso ay isinugal;
Sila na sa Diyos ay nagdarasal,
Dumating nawa sa akin ang Tunay na magmamahal.

Ngunit ang iba ay nabigla,
Ang Pag-ibig ay madaling nakuha;
Sasabihing hindi sinasadyang,
Umibig ako sa iyong magandang mukha.

Ang iba naman’y patuloy na nag-aantay,
Tila walang katapusang nakaantabay;
Dahil naniniwalang ang Pag-ibig na tunay,
Sa Matiyagang Puso ay ibinibigay.

Sa panahon ng pagmamahalan,
Marami ang sadyang nabubulagan;
Minsan pa ay sinasadya na lamang,
Na kunwari ay hindi naggagamitan.

Umibig dahil gustong makaranas,
Nagmahal upang makaramdam ng pag-ibig na wagas;
Kahit hindi alam ang patutunguhan,
Patuloy na naniniwalang maliwanag ang kinabukasan.

Bakit nga ba Mahal kita?
Tanong ng bawat isa,
Tibok ng puso hindi maikaila;
‘Pagkat tunay na umiibig nang kusa.

Kulungin mo ako, ngayon aking inuusal,
Sa Hawlang Bakal ng Pagmamahal;
Yakapin mo ako nang matagal na matagal,
Higpitan at huwag pakakawalan.

Ang aking pisngi’y palibutan ng halik,
Hanggang sa lambingan’y mauwi sa pagtatalik;
Upang patuloy na manumbalik,
Pagmamahalan nating nakakasabik.

Ikulong mo ako sa iyong mga mata,
Hayaang manatili sa iyo ang aking ganda;
Upang sa iyong diwa ay hindi mabura,
Na ako lamang ang mahal mo sa tuwi-tuwina.

Ikulong mo ako sa iyong mga ngiti,
Upang sa diwa ko ay mananatili;
Kagandahang hindi ikinukubli,
Kitang kita ang ligaya sa iyong mga pisngi.

Ang aking puso’y hawakan nang mahigpit,
Huwag hayaang maghanap ng kapalit;
Nais ko’y ikaw lamang ang gumamit,
Sa bawat tibok, sa bawat saglit.

Ikulong mo ako sa iyong mga luha,
Na nagmumula sa walang tigil mong tawa;
Sa kakulitan kong hindi ka nagsasawa,
Kulitang inaabot hanggang umaga.

Ikulong mo ako sa iyong alaala,
Sa bawat sandaling ipipikit ang iyong mga mata;
Maamo kong mukha ang iyong makikita,

At patuloy na nagwiwika…

Mahal na Mahal kita Cheska ♥


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseHawlang Bakal ng Pagmamahal is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

1 Comments

  1. Cheska

    Ako’y biglang napatulala
    Sa ‘yong alay na tula
    Puso ko’y natuwa
    Mata ko’y naluluha

    Alam kong sa ‘yo’y hindi mabibigo
    Ikaw ang ligaya dito sa aking puso
    Kaya matamis kong OO ay binigay sa ‘yo
    Mahal na mahal kita Kiko

    Salamat sa wagas na pagmamahal na binibigay mo
    Damang dama ito ng aking puso
    Ang aking pagkatao’y binuo mo
    Huwag na ‘wag ka sanang magbago

    Cheska, nagmamahal sa ‘yo ♥

Comments are closed.