Kapalaran sa Gitna ng Hamog

Francis Morilao

Nang ang ulap ay bumaba sa lupa,
Naging hamog na ating inaakala;
Halik na may kasamang luha,
Pagmamahal ng Diyos na may pagpapala.

Habang naglalakad sa mahamog na daan,
Muling nagbabalik alaala ng nakaraan;
Ang diwa tila nasilaw sa kalabuan,
Ng hamog na aking nilalakaran.

At ang isip ay hinayaang,
Pagbigyan ang nararamdaman;
May takot man sa patutunguhan,
Susulong pa rin ‘pagkat ito’y kailangan.

Habang ginaw sa balat ay nanunuot,
Patuloy ang hakbang upang makapasok;
Pagsisikap na pamana ni ama,
Nananatili sa aking alaala.

Nais mang mata ay ipikit,
Upang liwanag ay may kapalit;
Kapayapaang hinahanap nang pilit,
Hanggang sa kalamnan ay manginig.

Kalayaan sa sariling kulungan,
Sa isip tila isang kabaliwan;
Ang pigilan ang nararamdaman,
Isang malaking kalokohan.

Tutulungan kita sabi ng tinig,
Manalig ka at sa Akin ay makinig;
Sa iyo ay may nakalaang kapalarang,
Matagal Ko nang pinaghandaan.

Hamog man ay parating nariyan,
Patuloy ka lang sa iyong nilalakaran;
Lukso ng damdamin ay minsang pagbigyan,
Ngunit iyong kapalaran ay may magandang katapusan.


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseKapalaran sa Gitna ng Hamog is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

1 Comments

Comments are closed.