Long Distance Relationship

Ligaya Sa Piling Mo Kahit Malayo Ka

Francis Morilao

Isa sa mga lambingan ng LDR (Long Distance Relationship) ay magkasabay na natutulog na bukas ang laptop, pinapanood ang bawat posisyon ng pagtulog, at minsan hindi nagkakatagpo dahil sa magkaibang oras sa mundo, ngunit patuloy na magiging maligaya kahit magkalayo ang sinisinta…




ako:

hayaan mong pupurin kita ng halik
na tanda ng aking pananabik
saksi ang buwan sa langit
na t’wing gabi’y naglalambing

iyo sanang ipagpaumanhin
kung minsan’y maagang nahihimbing
dala ng pagod na bitbitin
sana ay iyong intindihin

alam mong ako’y nagpapalangis na naman
dahil sa tula na naman aking idinadaan
kung ako man’y may nagawang pagkukulang
ito lamang ang payak na paraan

mahal na mahal kita
tandaan mo sana
kulang pa ang bawat gabi at umaga
sa pananabik sa iyo sinta

siya:

hindi mo naman kailangang gawin
Isang malambing na tula para sa akin
‘pagkat ikaw ay kayang intindihin
dahil minsan ako’y ganoon din

‘wag kang mangangamba
ang agam agam ay alisin na
hindi ko kayang magalit sa ‘yo sinta
‘pagkat mahal na mahal kita

ako:

ako sa likod mo ay pupunta
upang pagyakap sa iyo ay isagawa
nais kong damhin ang iyong halaga
sa bawat higpit ng yakap ko sinta

anong sarap ng pakiramdam
na ang pag-ibig ko’y nananahan
sa iyong puso at isipan
mananatiling walang hanggan

sa iyong leeg hahanapin ang halik
at pabulong na isasambit
mahal na mahal kita saksi ang langit
uulit ulitin sa pangungulit

siya:

kay sarap gumising sa umaga
‘pagkat alam kong nariyan ka
paglalambing ay pinapadama
konti na lang tayo’y lalanggamin na

ang pagkikita’y nalalapit na
masisilayan na ang iyong mukha
labi mo’y mahahalikan na
mga yakap mong hinahanap ko sa tuwina

puso koy sayo’y naaadik
ang iyong pagmamahal na nakakasabik
ikaw ang nais sa araw at gabi
‘pagkat mahal na mahal kita, palagi kong sinasabi


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseLigaya Sa Piling Mo Kahit Malayo Ka is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

2 Comments

  1. Anonymous

    the best… <3 <3 <3

  2. Superjaid

    deym. pangalawang beses ko ng napanuod ang vid na to pero naiiyak pa rin ako siyet lang. haaay sakit sa dibdib.

    by the way ang cheesy ng poem. in love na in love.

Comments are closed.