Liham na Tula sa Aking Sinisinta

Francis Morilao

Hayaan mong mauna kitang mahalin,
Dahil ikaw ay mahalaga sa akin;
Kahit pa hindi mo ako pansinin,
Mananatiling ikaw ang iibigin.

Kung dumating ang panahon na ako’y bigyang pansin,
Ikagagalak ito ng puso’t damdamin;
Pag-ibig sa iyo’y aking sisinupin,
Huwag ka lamang mawala sa akin.

At kung pag-ibig ko’y iyong pauunlakan,
Hinding hindi kita pababayaan;
Mararanasan mo ang kakaibang kaligayahan,
Magiging kabahagi ako, ng pagmumulan.

Mga kahilingan mo’y hindi bibiguin,
Palagi kitang pangingitiin;
Pagmamahal ko’y iyong damhin,
Katotohanang ikaw’y mahal sa akin.

Dati mong pag-ibig akin nang wawakasan,
Kung ang pag-ibig ko’y iyong pagbibigyan;
Tutulungan kitang siya’y kalimutan,
Mga luha mo ay aking pupunasan.

Patak ng luha mo na dulot ng nakaraan,
Bigyang laya sa pag-ibig kong nakalaan;
Kung siya ay nakuha kang iwanan,
Sa akin ay hindi mo mararanasan.

Marahil itatanong mo kung bakit kita inibig,
Sa mga sinasambit ng aking bibig;
Hindi maipaliwanag ang tibok ng dibdib,
Mula nang tayo ay magkita sa yungib.

Ako’y pansamantalang mamamaalam,
Sapagkat oras na ng kapahingahan;
Kung sakaling mabasa mo itong aking liham,
Huwag ka sanang magulumihanan.


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseLiham na Tula sa Aking Sinisinta is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

24 Comments

  1. tatess

    sa yungib pa pala kayo nagkita? sino na naman yan at nakakarating pa kayo sa yungib?

  2. rom salvar

    Si Medusa ba yan sir? haha

  3. Mary Anne

    As usual, ang ganda ng tula! I remember tuloy my younger years. Kilig moments and crushes. haistttt 😀

  4. WOF

    Salamat yaring tula para sa akin
    Nabigla ako’t ikay may damdamin para sa akin
    Bigyan mo ako ng tamang panahon
    Pag iisipan pag-ibig mong hamon

    Di ka naman mahirap mahalin Kikong Matsing
    Sana lang ay di ka tulad ng isang bahing
    Mangangati at kikiliti sa ilong
    Wagas na hatsing nag-proprolong

    Huwag lamang akong i- pressure
    Pagkat alam, mong mataas ang aking Blood Pressure
    Huwag mo rin akong biglain
    Pagkabirheng ko sa pag-ibig wag agad wasakin

    Hayaan mo munang maging close tayo
    Malay puso ko’y biglang yumanig at maging tayo
    Hintayin natin ang tamang landi ng puso
    Hanggang dumating na pagpayag ko para ika’y sumuso

    1. Francis

      Juice ko unkel WOF bat mo ako binukow,
      Ang pag-ibig kong eklavow;
      Pero ito talaga seryoso (boses macho)
      Pakurut nga sa iyong wetpu!

    2. WOF

      hanuvah wag munang landiin
      dahil may iba pang nakadiin
      hintayin mo ang aking pito
      isusunod kita hagod pato

  5. Corazon Prudente

    lahat kaya kayo ay magagaling..
    makata sa doha qatar kung tawagin..
    bihira nga dito ang mga papansin…
    pero sa tula nyo ako ay nagising..
    galing mo ka kiko..
    volmer wof kung tawagin
    magagaling kayo dapat lang pansinin……

    1. WOF

      hala nagising si mother dear
      sa tula natin na dare
      salamat po sa iyong papuri
      sa iyo patula sa amin ay may uri

    2. Corazon Prudente

      hay naku wof di kita kilala…
      pero sa isip koy okey kang talaga…
      okey lang sa akin magising umaga na..
      may pasok pa ako.. dapat maligo na.
      hala at akoy mag iinot inot papunta sa banyo para akoy magbuhos
      ang gustong sumama.. sumunod na laang..
      hiludan nyo ako pero sa likod lang….he he he

    3. Francis

      Kung hilod ang iyong hanap
      Ikaw’y pagbibigyan;
      Huwag mo lamang akong pagbabawalang,
      Dalhin ka sa ibayong kaligayahan.

      Kaligayang madarama mula sa hilod,
      Huwag haharap sa iyong pagtalikod;
      At nang hindi mawala ang bisa ng bertud,
      Dahil baka ako’y biglang mapaluhod.

    4. Corazon Prudente

      aba naku matsing ikaw pala..
      sorry kung ikay aking naabala
      kausap ko si wof..
      nagising din kita sorry na lang matsing ako po ay tapos na…
      wala na ring balat na mahihiluran natanggal ng lahat dahil sa kainitan ..
      ng tubig sa doha..na lasang qatarin ….waah hirap naman..

    5. Francis

      Ayun naman pala,
      Kay Wof nagpapahilod si mudra;
      Kaya siguro tahimik siya,
      Sumunod siya sa inyo at gumawa ng eksena.
      (unkel na videohan mo ba?)

  6. Corazon Prudente

    hay naku naman magiingat ka sa yong pagbigkas ng mg salita
    baka madulas ka sa akiy humanga sorry ka na lang sa aking bunganga..
    malaki ang bato na aking panghilod magingat ka kiko doon kita ingungudngud,,,
    magiging katapat mo ay ang manggagamot e kasi naman sayoy ipupokpok….
    he he he hirap

    hay naku sarado kung akoy maligo walang makikita kahit akoy hubo..
    maingat po ako sa aking pag ligo para walang hassle tapos ang pagligo..
    kung maninilip ka malas mong talaga walang masisilip…
    MAY KULITI KA PA. kaya ingat kayo sa aking panitk e di kasi naman dilay mapilantik ….magaling din ako sa papitikpitik lalo na sa inyong mahusay sa titik……….opppppps may k yan ha?

    1. WOF

      Ako po’y humihingi ng pasensya
      Sa pagtalikod ko’y humihingi ng dispensa
      Gulat sa bigkas ni kiko matsing
      Mukhang kay Cora ay makaka tsansing

      Ako ang hahawak ng cam
      Para kayong dalawa ay di mabalam
      Hilo’t hagod inyong gawin
      For sure, movie viewers di mabibitin

      Huwag kang magtampo aking Ankol Matshing
      Ako’y iyong replika kahit madusing
      Iyong paligayahin sa paghilod si Mother dear
      Ipalasap ang caress ng isang Monkey indeed

    2. Corazon Prudente

      matagal man ako ay dumating ngunit pusot diwa ay gising pa rin sa bigkasan natin akoy masaya rin at kahit papanoy may kahuntahan din dito sa qatar lumbay ay pawiin……good evening po..

  7. Sumi Go

    Wow.. Napaka-sincere nitong tula at talagang matutunaw kahit sinong makakabasa.. Mas lalo na sa iyong pagbibigyan sir Kiko! 🙂

  8. yuuki

    naalala ko tuloy ung mahilig magbigay sakin dati ng tula at mga liham…ayun magaling lang pala talaga mambola haha…ganun ba talaga?

    teka ano pala ang “maguluminahan”?

    1. Francis

      magulumihanan – malito ang isip… hindi naman lahat siguro magaling lang sa bolahan hahaha

  9. Ric

    Ayos! makatang makata ang dating. I remember high school days, palagi din kaming gumagawa ng mga tula… Naalala ko din ang Florante’t Laura. Keep it up Kiko! Thumbs up!

  10. Ivan Stewart Saldajeno

    Teka! Teka! Teka! Teka! Anong kaguluhan ito?
    Bakit puro tula ang nakikita ko?
    Akala niyo kayo lang ah.
    Tignan niyo itong birada nitong si Stu na makata.
    Pagdating sa pabonggahan ng litanya, ako ang bida.
    Lalo na kung pag-ibig ang usapan. Alam na.
    Wag na kayong umasa. Friendzoned na kayong lahat.
    Mag-tetris o DOTA na lang kayo. Doon lang kayo makakajackpot.
    Peace out! (Testing lang hehe)

  11. Swexie

    Ano bah naman kayo?
    Puro tula, naprepressure ako!
    Di pa naman ako magaling dito,
    Hala cge, pagsisikapan ko…

    Ang galing naman ng tula ni Kiko
    Pero bakit naman sa yungib kayo nagtagpo?
    Saang yungib bah yan, kaibigan ko?
    It think it’s dark there, takot ako.

  12. Traveling Morion

    Kabighabighaning basahin ang tulang ito na tungkol sa yungib jejeje,, Galing ng mga kataga!

  13. Franc Ramon

    ang galing ng tula mo pero parang malungkot and ending.

  14. Mavic Cantes

    medyo nahirapan din ako. may mga salitang di ko talaga maintindihan. though as a whole nagets ko naman. isa lang talaga, naalala ko nakalipas ko… 😀

Comments are closed.