Sa Muling Pagbangon

Sa Muling Pagbangon

Francis Morilao

Sa bawat patak ng luhang naipon,
Mga ngiting tinakpan ng lungkot;
Kahapong nagsilbing inspirasyon,
inspirasyon sa muling pagbangon.

ala-alang hindi malimot,
pusong nagmahal nang lubos;
sa pag-asang umibig na muli,
lungkot sa labi ay nais na ikubli.

isang tawag mula sa kawalan,
ginising ang diwang nag-aalinlangan;
luha mo ay aking papahirin,
lungkot nang nakaraan, tutulungang limutin.

pag-asang syang naging sandigan,
nang pusong labis na nasaktan;
sa pagkakadapa ay nasugatan,
sa lalim ay lubos na nahirapan.

ngunit itong tinig ay naninindigan,
sa muling pagbangon ay tutulungan;
tatanggapin ang lahat ng nakaraan,
susuklian ng saya sa kasalukuyan.

bakit nga ba ganito ang buhay?
tanong nitong dalagang nalulumbay;
kayhirap lampasan ang bawat sandali,
siya sa isip na namamalagi.

kahit ilan silang sa iyo ay ipalit,
mananatili ka sa puso at sa isip;
pagmamahal mong labis labis,
tunay na wala kang kapalit.

ngunit kailangang tanggapin,
ikaw ngayon’y bahagi na ng kahapon;
pagkakamali natin’y magsilbing inspirasyon,
sa ating muling pagbangon.

At kung sakaling ikaw’y mauna,
Huwag mo na akong lingunin sana,
Ituloy ang lakad patungong hilaga,
Ako naman’y sa timog ang punta.


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseSa Muling Pagbangon is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

1 Comments

  1. Karl Marty Balingit

    Love your poems Francis! Keep doing what you’re doing, more power sayo! 🙂

Comments are closed.