Pag-ibig na Puro Simula Tula para sa Iniiwan

Francis Morilao

Itong tula ay alay ko kay Anonymous na humingi ng isang tula
para sa kanya na palaging iniiwan, mababasa po ang comment niya dito

Istorya ng pag-ibig ko’y talaga yatang ganito,
Nasanay na sa mga pagmamahalang bigo;
Kahit anong pilit kong baguhin,
Iyon at iyon pa rin ang ending.

Ako nga ang palaging iniiwan,
Pag-ibig ko raw ay walang patutunguhan;
Wala akong karapatan sa kaligayahan,
Pag-ibig na puro sa simula lamang.

Ano ba ang dapat kong gawin?
Tinatanong ang sarili sa harap ng salamin;
May problema ba sa aking damdamin?
O sadyang ganito ang kapalarang dapat tanggapin.

Nang magsimula akong matutong magmahal,
Ibinigay nang buo pati na aking dangal;
Hanggang ang buhay ko ay akin nang isugal,
Mapatunayan lang na tunay akong magmahal.

Sa kahuli hulihay ganoon parin,
Ako ay talagang iiwanan parin;
Maaari ngang may problema sa akin,
Ano nga ba ang mga dapat kong baguhin?

—————–

Tugon ko sa iyong katanungan…

Ilang beses ka mang iwanan,
At tratuhin kang isang laruan;
Alalahanin mo at itanim sa isipan,
May darating na isang tao na ikaw’y maiintindihan.

Isang taong uunawa sa nakaraan mo,
Siya, na tugon sa mga panalangin mo;
Pag-asang pag-ibig na umiikot sa mundo,
Subok na darating kung paniniwalaan mo ako.

Pag-uugali mo’y walang dapat baguhin,
Pati na ang pagsintang wagas na damdamin;
Isa lamang ang aking hihilingin,
Palakasin mo ang pundasyon ng panalangin.

Sapagkat pagdating sa pag-ibig,
Wala tayong dapat baguhin;
Walang sinoman ang dapat sundin,
Kapag tibok ng puso ang paiiralin.

Pag-ibig na puro simula,
Ngayon iyong wakasan upang lumigaya;
Ligayang hindi sinasadya;
Kundi, wagas na sa puso nagmumula.

Nagpapasalamat ako sa iyo Anonymous sa iyong kahilingan,
Nawa’y sa tulang ginawa ko ay naginhawaan ang iyong kalooban;
Dalangin ko sana’y iyong matagpuan,
Ang taong wawasak sa sumpa na nasa iyong isipan.


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicensePag-ibig na Puro Simula Tula para sa Iniiwan is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

9 Comments

  1. Violy Vallester

    Tugmang-tugma naman sa akin eto…Naka relate ako. salamat! 😉

    1. mavicdesigns

      hahah parang nakakarelate din ako…. napiga ako sa pag-intindi ng tagalog ah… 😀

      1. Francis

        sis VV hindi ko po sinasadya…

        Ma’am Mavic salamat sa pagdalaw sa aking munting tahanan…

  2. McRICH

    Sir kakalungkot ang tula pero sana makahanap na sya ng magmamahal sa kanya!

  3. krysthal

    ang ganda…..

  4. tharra mae

    marami kasing manloloko ee! yan tuloy maraming bigo

  5. Anonymous

    gNda aMan!!! peo msaRap maG maHal mHirap msAktan
    bk8 kya MArmiNg manLOloKo ????

  6. Anonymous

    tandaan mo di ka nag iisa.

  7. Anonymous

    maraming mag mamahal sayo ng tapat

Comments are closed.