Sa Aking Paglakad Tula tungkol sa Pagtatapos ng Eskwela

Francis Morilao

Dear sir Kiko,
MAlapit na po ang graduation namin, may hihilingin po sana ako, maaari nyo po ba akong igawa ng tula tungkol sa experience sa Elementary. 12 yrs old po ako at running for honors, panganay sa 3 (Gabby[girl], Danielle[girl], Liam[boy]) magkakapatid, mahilig mag txt, group txt, mag FB, twitter at sumali sa mga school activities at editor in chief ng school paper(HATID DIWA) namin, post ko no sana yung tulang gagawin niyo (pakilagay na rin po full name niyo for acknowledgement). Thank you very much po…..


Sa Aking Paglakad…

Dagling natigilan sa aking paghakbang, mula sa hanay ng pila na aking kinaroroonan;
Muling nanumbalik ang saglit na panahon, nang ako, dito sa paaralan ay unang tumuntong.

Anim na taon na rin pala ang nakalipas, masasayang pangyayaring hindi pinalampas;
Kaysayang gunitain ang mga ala-alang, minsan pa’y nakapagpapangiting talaga.

Nang mag-edad sampung taon, malaking pinagbago kaysa kahapon;
Social media, ang lakas ng naitulong, upang gumaan ang gawain sa buong maghapon.

Kahit na Facebook at Twitter ang pinagkakaabalahan, maging group texting ay pinatulan;
Hinding hindi pa rin napapabayaan, pag-aaral, ang priority na pinaninindigan.

Bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nananatiling huwaran sa kanilang mga paslit;
Pagsisikap sa pag-aaral na minulat ng magulang, dala-dala ko hanggang ngayon sa aking paghakbang.

Gabrielle Kristen Fernandez

Nagulat ako sa kalabit mula sa likuran, pangalan ko na pala ang binanggit ng tinuran;
Ngiti sa aking labi ay pumailanglang, hakbang papalapit, sa intablado ay binilang.

Ang aking ina, sa akin ay nakatingin, tuwang tuwa siya sa kaniyang supling;
Sa suot kong puting toga, lutang na lutang ang aking ganda.

Paghakbang sa entablado ay naging marahan, taas noong ngiti at pagmamayabang;
Inay salamat po sa iyong pagmamahal, ito ako ngayon, may pangarap sa kinabukasan.

Iniabot sa akin ang nakarolyong papel, kamay ko’y iniabot ng aming prinsipal;
Congratulation” ang kanyang ibinulong, salitang nagpaangat ng aking ambisyon.

Tumingin ako sa may gawing kanan, humarap sa kamera upang makuhanan;
Larawang magiging isang ala-ala, nang isang masayang bahagi ng aking pagkabata.

Hindi pa pala doon nagtatapos, ‘pagkat pangalan ko’y may karagdagang puntos;
Muli ako’y sinabitan ng gintong medalya, patak ng luha ko’y tumulo talaga.

Hinanap ko ang aking ina sa karamihan, nakita ko ring mga mata ay pinahiran;
“Binabati kita Anak” bulong ng kanyang diwa, ramdam ko sa aking puso nang siya ay makita.

Masigabong palakpakan, ang sa akin ay muling nagpamulat;
Diwa ko’y naglakbay sa kalawakan, tapos na pala ang palatuntunan.

Mahigpit na yakap kay inay, nang siya ay aking lapitan;
Pasasalamat na halik sa kanya ay inalay, Graduate na ako, sigaw kong pagmamayabang.


Ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong liham sa akin na nanghihingi ng Tula para sa iyong Karanasan sa Elementarya at Pagtatapos. Hindi ko akalaing mayroon pa palang mga katulad mo na naniniwala sa kakayahan ko bilang isang manunula(t). Kaya naman ginawa ko itong Sa Aking Paglakad… – Tula tungkol sa Pagtatapos ng Eskwela

Dalangin ko ay magpatuloy ka sa pag-aaral at balang araw ay magkita tayo sa aking pagbabakasyon dyan sa atin sa Pilipinas.

Muli, Salamat.

Kiko
Francisco Prestosa Morilao, Jr.
OFW – Doha, Qatar

Sa mga nagnanais pong magpagawa ng tula sa akin, magliham po kayo dito


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseSa Aking Paglakad Tula tungkol sa Pagtatapos ng Eskwela is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

2 Comments

  1. Superjaid

    Nice. Ang ganda nung tula naiimagine ko na yung palakpakan ng mga tao kapag ginamit to as speech. It brings back memories na rin kahit na di pa uso social media at texting noon.

  2. Anonymous

    Thank you po sa pagsulat ninyo ng tula!
    Buong Pilipinas at lahat ng Pinoy nagpapasalamt sa inyong gawa. : )

Comments are closed.