Sa Anak Kong Pasaway

Francis Morilao

Kontactr : Hello Makatang Kiko,

Masyadong puro pag-ibig ang mga tula mo, pwede mo ba akong gawan ng tula para sa aking anak na lalaki, na nanganganib na maging alam mo na, gandahan mo ha!
Salamat in advance.

Sa anak kong pasaway,
Na laging wala sa bahay;
Kung ‘di laman ng kapit-bahay,
Nasa kanto at palaging tambay.

Sa anak kong pasaway,
Iyong ama’y nalulumbay;
Kailan ka titigil ng bahay?
Ang iyong ina ay nag-aantay.

Sa anak kong pasaway,
Na palaging matamlay;
Hindi mahilig sa pagkaing gulay,
Pati sa pagkain ay pasaway.

Sa anak kong pasaway,
Sa Computer naglalamay;
Sa DOTA madaming kaaway,
Natutuyot na pati ang laway.

Sa anak kong pasaway,
Na ang text ay panay-panay;
Sa mga dabarkads ay nakikisabay,
Sa mga usaping mahalay.

Sa anak kong pasaway,
Na panay ang sagot sa nanay;
Naturingan pa namang panganay,
Kailan ka pa nagkaroon ng sungay?

Sa anak kong pasaway,
Na walang alam sa buhay;
Maski damit hindi marunong magsampay,
Hindi naman ganyan ang iyong tatay.

Sa anak kong pasaway,
Na hindi marunong magbigay;
Makasariling tunay,
Kailan tutuwid ang iyong buhay?

Sa anak kong pasaway,
Pati kuko’y nilagyan ng kulay;
Hikaw sa taenga ay inilagay,
At buhok ay panay ang suklay.

Sa anak kong pasaway,
Dating Boy ngayon’y Inday;
Mag-isip ka nga ng mahusay,
Baka ikaw ay ibaon ko sa hukay.

Sa anak kong nagpapasaway,
Puso ko’y para mong pinatay;
Sa sama ng loob na iyong ibinigay,
Luha ko ngayon’y walang humpay.

Dear _____,

Sana ay nagustuhan mo ang ginawa kong tula para sa iyo at sa anak mo.
– Kiko


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseSa Anak Kong Pasaway is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

28 Comments

  1. Semidoppel

    Hahah ang ganda nung tula…haha may counterpart sana ako jan kaso anak na responsable naman ung version

    1. Francis

      salamat sa pagbisita sir Semi! antayin ko ang blogpost mo 🙂

  2. tatess

    may sinusulat din nga ako about pasaway.wait mo rin .baka bukas or mamayang gabi ko i post.

    1. Anonymous

      hello po kiko nais ko sanang gawan mo ko ng tula tungkol sa pinakamamahal kung asawa n si marvin de gracia sana maipost nyo po wait ko po.salamat…………….

      1. Francis

        salamat sa pagbisita mami tatess!

        dear anonymous nais kong gawan ng tula si Marvin de Gracia ngunit kailangan ko po ng karagdagang kaalaman tungkol sa kanya, maaari po kayong magliham sa akin DITO salamat!

  3. Anonymous

    hi sir kiko. ako po si TOPE, ganda nmn ng mga gawa mo, anyway isa lang naman po layunin ko dito sir,, isa po akong ama ng dalawa kong anak na babae, gusto ko po sana ng isang tula para sa aking malapit ng lumabas na anak. yung meron pong konting sorry dahil sa mga kakulangan, halimbawa ung tipong minsan hindi po kami mkpgpacheck up ng mommy niya. minsan naman kulang sa pera kaya hindi mkbili ng vitamins ng mommy nia,,, alam ko po nagets nyo un, hindi pa masyado ready sa mga gamit nya sa kanyang paglabas, but in the end ee hindi nmn sya salat sa pagmamahal ng kanyan mga magulang… alam ko napakadali lang sayo nyan sir KIKO,,, thanks!

    1. Anonymous

      hindi nagcomment si SIR KIKO sa akin… mukang hindi type ang request ko hindi sya nag post,,, hehehe,,, cge nnmn sir kiko,,, ?_? TOPE

      1. Francis

        hi, TOPE, kasalukuyan kong ginagawa ang iyong, tula, salamat sa pagbisita

        1. Anonymous

          excited na ako sir^^ hihi^^ TOPE,

  4. Anonymous

    Kakatuwa naman ang tulang ito ^_^.. naging Inday si Boy at the end.. parang gusto ko ding gumawa ng tula related sa Anak na Pasaway :))

  5. Anonymous

    pwede na rin tula hehehe pero maganda tamaaaaaaaaaa

  6. Anonymous

    SIR KIKO PUWEDE PO BA D2 ANG LOVELESS…HEHEHEHE..NAGANDAHAN PO AQ SA TULANG SA ANAK NA PASAWAY…EH NAISIP Q PONG BAKA MAGAWAN NYO RIN PO AQ NG TULA..LAGI PO KC AKONG INIIWAN….TOINKZ!!!HEHEHE!!!!SANA MY MAGAWA PO KAUNG TULA PARA SA AKIN….JEJEJEJE

    1. Francis

      Dear Anonymous narito na po ang inyong tulang kahilingan — Pag-Ibig na Puro Simula sana ay magustuhan mo…

  7. Anonymous

    Sir kiko ako po si meaya…ang gaganda ng iyong mga nagawang tula…ang galing niyo talags….siir pwede rin nio ba akong gawan ng tula tungkol sa aking ina…medjo mahina po xia kaya yung tula na pagpapasalamat…salamat po..

  8. jessica

    nice one !

  9. Anonymous

    pede ko po ba itong ishare sa FB account ko….salamat po

    1. Francis

      Dear anonymous pwedeng pwde po, click Facebook button above and you can share it

  10. berkkie

    mr kiko sana magawan nyo rin ako ng tula tungkol sa mga buhay ng bata mula elementarya hanggang secondarya…. maraming slamat po.. nabasa ko po ung tulang sa anak kong pasaway ang ganda

  11. Anonymous

    hi sir! grabe its my first to read ur compositions..galing!! clap! clap! clap! parang ang gusto ko nlng eh mameet kau in person.. wuhahahaha…
    dahil naiinggit ako at ginawan mo ang ilan sa kanila,request nman po na magawan niyo rin ako.,,tula po sana tungkol sa tulad kong NBSB(never had a boyfriend since birth)at the age of 22,,still waiting and looking for my man… im hoping sir na magawan mo ko.. thanks a lot! :)))

  12. Anonymous

    eeeeeehhhhh saya ko naman sa nakikita kong nakapost na letter ko sau d2 mr. kiko.. :):) yen po pala ito. hoping na mas mainspire pa akong hintayin ung lalaking para sakin.. mejo inip eh..haha more power to you sir!!!

  13. Anonymous

    ASTIG :)))

  14. Anonymous

    Astig naman!. Sir kiko paturo naman!. Ang galing2 mu naman, ikw na talaga.

  15. Anonymous

    magandang gabi po kuya kiko .. nais ko po sanang magpagawa sa inyo ng isang tula tungkol sa “pagkakaiba at pagkakapareho ng anak na lalaki at anak na babae” .. kailangang kailangan ko po kasi ito .. sana po akoy inyong pagbigyan … =))

  16. Anonymous

    pwede po bng malaman real name niyo
    kelangang kelangan po eh… kasi cocopyahen ko po ung tula na ginawa niyo para sa recitation q po sa filipino namin

    1. Francis

      Hi Anonymous

      My Real Name is FranCis MoRilao from Doha Qatar.

      Maraming Maraming Salamat

  17. aida embradora

    tama ang tula natamaan kami hehhehhe gawa kapa ng marami…..

  18. aishaq 23

    hai naw na touch ako parang tumugma lahat sa akin ang cnabi ..heheheh

Comments are closed.