Sa Anak Kong Sinisinta

Francis Morilao

Sa tulong ni kiko ipinahayag ang layon,
Kalilimutang lahat ang nangyari kahapon,
Kinabukasang sa iyo’y naghihintay,
Pagmamahal naming magulang sa iyo iaalay,

Lungkot na aking nararamdaman sa tuwina,
Napapawi sa kinahapunan tuwing makikita ang iyong ina,
Halik niya sa akin’y nagbibigay sigla,
Haplos ko sa tiyan niya’y nakaliligaya,

Ikaw naman sa kanyang sinapupunan,
Dampi ng palad ko’y iyong pinakikiramdaman,
Mag-antay ka lang anak sa iyong kinalalagyan,
Sabik na rin kami sa iyong paglabas sa tamang buwan,

Sa bawat paglipas ng araw,
Magkahalong kaba’t ligayang nangingibabaw,
Ang makita ang iyong maamong mukha,
At halik-halikan ang iyong kamay at paa,

Hanggang sa hintayin ang iyong munting tinig,
Anak kami ngayon sa iyo’y nasasabik,
Tulang ito’y inaalay sa iyo anak na aking sinisinta,
Mahirap man ang buhay, magsisikap kami’t pag-aaralin ka.

—–

Itong tula ay aking ginawa sa kahilingan ni Tope para sa kanyang anak na isisilang. Basahin ang comment ni Tope dito.

Dalangin ko ang ligtas na panganganak ng iyong maybahay at ng iyong anak. Hindi man tayo magkita ng personal Tope, nais kong magpasalamat sa iyo sa pagsulat mo sa akin at nawa’y nagsilbing inspirasyon sa iyo ang mga sinusulat ko. Nawa’y pagpalain ka ng Diyos na Makapangyarihan sampu ng iyong pamilya. Bigyan ka ng ibayong kalakasan ng pangangatawan upang patuloy mong itaguyod ang iyong pamilya bilang isang ama ng tahanan.

Sa iyo baby, maaaring mabasa mo ito pagdating ng panahong nakakabasa ka na. Mahalin mo ang iyong mga magulang, sa panahon ngayon na halos materyal na bagay na sa tingin ng tao ang mahalaga, alalahanin mong minsan ay may nagregalo sa iyo ng higit sa lahat at iyan ay ang tulang handog sa iyo ng iyong ama. Kung may pagkakataong magkita tayo, (matanda na ako noon) ikararangal kong sambitin sa iyo ang tulang ito.
Kiko


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseSa Anak Kong Sinisinta is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

3 Comments

  1. Anonymous

    nice… naiyak tuloy misis ko^^ salamat sir KIKO!!! TOPE

  2. Ishmael Fischer Ahab

    Mabuting ama
    Kay Tope ko aking nakikita.
    Nawa’y buhay niya’y lumigaya
    Kasama ng kanyang mag-ina.

    1. Francis

      Salamat sa iyong pagbisita
      Dito sa aking munting hawla
      Ikinagagalak kong mabasa
      Ang iyong mga salitang may pag-asa!

Comments are closed.