Sana Bukas Pa Ang Kahapon

Sana Bukas Pa ang Kahapon

Francis Morilao

Kasabay sa pagguho nitong munting pangarap,
Isang sulyap mula sa alapaap;
Tugon sa tawag ng Maykapal,
Pag-asang tila hindi na magtatagal.

Saan nga ba muling sisikat ang umaga,
Sa kulimlim ng langit na may nagbabadya;
Biyayang mula sa Diyos na winalangbahala,
Saka magtitiwala na mayroong pag-asa?

Saksi ang langit sa daang maliit,
Sa gawing hakbang mula nang paslit;
Takdang panahon ay may pagsusulit,
Ihanda ang sarili sa puot at galit.

Sa panahong kinakailangan,
Iniwan ng walang pakundangan;
Mga sulat na hindi nakarating,
Bawat patak ng luha’y tugon ang hiling.

Kahapon’y tila isang panaginip,
Bangungot at hinagpis ang laging daing;
Sana Bukas pa ang kahapon,
Nang maitama ang maling desisyon.


Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Nagsimula bilang si Makatang Kiko ng Mga Kathang Isip ni Kiko sa mundo ng blogging.
Home About Me! Contact Me! Read More Tula! View my Designs!


Creative Commons LicenseSana Bukas Pa ang Kahapon is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at Mga Tula ni Francis Morilao. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.